Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette na may international name na Khanun.
Alas diyes kagabi nang huling namataan ang bagyo sa layong tatlundaan limampung kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hanging aabot sa isandaan sampung kilometro kada oras at pagbugso na hanggang isandaan apatnapung kilometro kada oras.
Tinutumbok ng bagyo ang direksyong hilagang-kanluran sa bilis na labinlimang kilometro kada oras patungong Southern China.
Sa kabila nito, asahan pa rin ang kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos region, CALABARZON, MIMAROPA, Zambales at Bataan.
Isang katao patay sa pananalasa ng bagyong Odette–NDDRMC
Isa ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette, sa Northern luzon.
Kinilala ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan ang biktimang si Rodrigo Garcia na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa barangay Cabatacan, Pudtol sa Apayao.
Nalubog din anya sa baha ang ilang lugar sa lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Peñablanca habang nakapagtala ng landslide sa bayan ng Baggao.
Samantala, may panawagan naman si Marasigan sa publiko sakaling tumama muli ang isa pang kalamidad.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan