(11 AM Update)
Bahagyang bumagal ang bagyong Ompong at napanatili ang lakas habang patuloy na nagbabanta sa Hilagang Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 725 kilometro Silangan ng Virac Cantanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 205 km/h malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 255 km/h.
Kumikilos ang bagyong Ompong pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nakataas ang signal number 1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabela, Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Island.
Ayon sa PAGASA asahan ang paminsan-minsang mga pag-ulan na may kasamang pabugso-bugsong hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1.
Inaasahang tatama sa lupa ang bagyo sa hilagang bahagi ng Cagayan sa Sabado ng umaga.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar laban sa posibleng storm surge lalo na sa mga malalapit sa dagat, flashfloods at landslides.
Pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko na maaga nang lumikas sakaling kinakailangan.
Linggo pa ng umaga posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.—AR
—-