(Please refresh for update)
Nasa bisinidad na ngayon ng Baggao, Cagayan ang Bagyong Ompong at patungo na sa direksyon ng Apayao at Ilocos Norte.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong papalo sa 330 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.
Signal no. 4
ILOCOS NORTE
CAGAYAN KABILANG ANG BABUYAN GROUP OF ISLANDS
NORTHERN ISABELA
APAYAO
ABRA
KALINGA
Signal no. 3
BATANES
SOUTHERN ISABELA
ILOCOS SUR
LA UNION
MOUNTAIN PROVINCE
BENGUET
IFUGAO
NUEVA VIZCAYA
QUIRINO
NORTHERN AURORA
Signal no. 2
PANGASINAN
TARLAC
NUEVA ECIJA
SOUTHERN AURORA
ZAMBALES
PAMPANGA
BULACAN
NORTHERN QUEZON KABILANG ANG POLILLO ISLAND
Signal no. 1
BATAAN
RIZAL
METRO MANILA
CAVITE
BATANGAS
LAGUNA
NALALABING BAHAGI NG QUEZON
LUBANG ISLAND
MARINDUQUE
CAMARINES NORTE
Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ngayong araw ang masungit na panahon dahil sa bagyo habang paiigtingin din nito ang habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM at nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Bicol Region.
Pinag-iingat naman ng PAGASA sa storm surge na posibleng umabot hanggang anim na metro sa Cagayan at Ilocos Norte habang hanggang tatlong metro naman na daluyong sa Isabela.