Humina na ang bagyong Onyok at naging Low Pressure Area (LPA) na lamang.
Ito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay matapos mag-landfall sa Manay, Davao Oriental, alas-9:00 kagabi.
Gayunman, magdadala pa rin ng mga pag-ulan ang LPA sa Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Lanao del Sur, Maguindanao at Cotabato.
Mamayang gabi, ang LPA ay inaasahang nasa layong 120 kilometro Timog Kanluran ng Zamboanga City.
Patuloy pa rin ang babala ng PAGASA sa panganib nang paglalayag partikular sa seaboards ng Luzon at eastern seaboard ng Visayas.
By Judith Larino