Bahagyang lumakas ang Bagyong Paeng habang mabagal na kumikilos sa Philippine Sea.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 410 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar at mas lumakas pa ang hangin nito na aabot sa 75kph at pagbugsong aabot naman sa 90kph.
Kumikilos ang Bagyong Paeng patungong kanluran-hilagang-kanluran ng bansa sa bilis na 15kph.
Dahil dito, itinaas na ng PAGASA Weather Bureau ang Signal No. 1 at 2 sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.
Itinaas ang Signal No. 2 sa ilang lugar sa Luzon kabilang na ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Eastern Portion of Camarines Sur.
Signal no. 2 din sa Visayas kabilang na ang Northern Samar at Northern portion ng Eastern Samar.
Signal no. 1 naman sa ilan pang lugar sa Luzon kabilang na ang Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands; Camarines Norte; nalalabing bahagi ng Camarines Sur; Romblon; Marinduque; Quezon kabilang ang Pollilo Islands; Laguna; at Rizal.
Ganun din sa ilang bahagi ng Visayas kabilang ang Samar; nalalabing bahagi ng Eastern Samar; Biliran, Leyte; Southern Leyte; at Northern portion ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands.
Signal no. 1 din sa Mindanao kabilang ang Dinagat Islands; Surigao Del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands; at ang Northern portion ng Surigao Del Sur.
Asahan naman ang mga pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar; Western Visayas, Marinduque, Romblon, at Quezon Province; CARAGA, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Mainland Cagayan Valley, Aurora, Rizal, Laguna, at ang nalalabing bahagi ng Visayas.
Posible ding ulanin bukas ng umaga ang bahagi ng CALABARZON, Bicol Region, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Metro Manila, Mainland Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Marinduque, at Romblon.
Nagpaalala naman ang PAGASA Weather Bureau na panatilihing maging alerto at ugaliin ang pagdadala ng payong para handa sa biglaang pagbuhos ng ulan.