Bahagyang humina ang bagyong Paeng habang patuloy itong mabagal na kumikilos sa direksyong hilaga.
Batay sa weather bulletin ng PAGASA, hindi gumalaw ang bagyong Paeng at nanatili pa rin ang posisyon nito sa layong 725 kilometro silangan ng Basco Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 170kph malapit sa gitna at pagbusong aabot sa 210kph.
Nananatili pa ring walang direktang epekto sa bansa ang bagyong Paeng at hindi na rin inaasahan ang pagtama nito sa lupain ng Pilipinas.
Dahil dito, asahan na ang maaliwalas na panahon sa buong bansa maliban na lamang sa mga posibilidad ng localized thunderstorms sa hapon at gabi.
Gayunman dahil sa lakas ng hanging taglay ng bagyong Paeng, nakataas ang gail warning sa hilaga at silangang baybayin ng Luzon at silangang baybayin ng Visayas at hindi pinapayagang maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat.
—-