Napanatili ng bagyong Paeng ang lakas nito habang halos hindi gumagalaw at patuloy na mabagal na kumikilos papalabas ng bansa.
Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Paeng sa layong 695 kilometro silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Patuloy itong napakabagal na kumikilos sa direksyong hilagang kanluran.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Paeng bukas ng umaga.
Samantala binabantayan din ng PAGASA, ang isang low pressure area o LPA sa bahagi ng Pacific Ocean na inaasahang papasok sa PAR sa Lunes o Martes at posibleng daanan ang mga lugar na hinagupit ng bagyong Ompong sa Hilagang Luzon.
—-