(11 AM Update)
Napanatili bagyong Paeng ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 20 km/h.
Sa pinakahuling tala ng ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 975 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 170 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 km/h.
Sa kasalukuyan, wala pang direktang epekto saan mang bahagi ng bansa ang bagyo bagama’t sa Biyernes, September 28 inaasahang maapektuhan ng bagyong Paeng ang extreme Northern Luzon o ang bahagi ng Batanes at Babuyan Group of Islands.
Posibleng ring itaas na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal sa Northern Luzon simula Huwebes, September 27 o sa Biyernes.
—-