Iniulat ng Department of Health na walang naitalang severe damage sa health facilities matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng.
Ayon kay Dr. Bernadett Velasco, Director ng DOH Health Emergency Management Bureau, nagkaroon lamang ng minor incidents kung saan nagtamo ng roof damage ang ilang health facilities.
Sinabi pa ni Velasco na hinihintay pa nila ang opisyal na report upang makapaglabas ng pondo para sa pagkukumpuni at iba pang pangangailangan ng naturang mga pasilidad.