Lumakas pa ang bagyong ‘Paolo’ at naging tropical storm habang patuloy na kumikilos patungong Philippine Sea.
Ang sentro ng bagyong Paolo ay pinakahuling namataan sa layong pitong daan at anim napu’t limang (765) kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyong Paolo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa siyam napung (90) kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot sa isandaan at labing limang (115) kilometro kada oras.
Ang bagyong Paolo ay unti – unting kumikilos pa hilaga – hilagang kanluran sa bilis na pitong (7) kilometro kada oras.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na asahan na ang paglakas pa ng bagyong Paolo bukas, Miyerkules o sa Huwebes.
Kasabay nito, ipinabatid ng PAGASA ang namataang low pressure area na tinatayang nasa tatlong daan at siyam napu’t limang (395) kilometro kanluran ng Coron, Palawan.