Halos “Super Typhoon“ na ang taglay na lakas ng hangin ng bagyong ‘Paolo’ na pumapalo sa isandaan at walumpu (180) hanggang dalawandaan at dalawampung (220) kilometro kada oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong isang libo (1,000) kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pahilaga – hilagang silangan sa bilis na dalawampu’t dalawang (22) kilometro kada oras.
Matatandaang hindi direktang tumama sa kalupaan ang sentro ng bagyo ngunit nakaapekto naman ang nahatak nitong ulap sa malaking bahagi ng ating bansa.
Batay sa tantya ng PAGASA, inaasahang lalabas na sa loob ng bente kwatro (24) oras o bukas, araw ng Linggo ang bagyong ‘Paolo’ sa Philippine Area of Responsibility o PAR.