(11 AM Update)
Bahagyang nag-iba ang tinatahak na direksyon ng bagyong Paolo na ngayo’y kumikilos sa direksyong hilaga hilagang-silangan sa bilis na 16 kilometro kada oras.
Sa huling tala ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 860 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometro kada oras .
Samantala, namataan naman ang binabantayang Low Pressure Area o LPA sa layong 105 kilometro silangan ng San Jose Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing weather system ay makikipag-isa ng lakas sa bagyong Paolo na magdadala ng mga pag-ulan sa Visayas, MIMAROPA at Bicol Region.
Inabisuhan din ang mga residente sa mga nabanggit na lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods.
Sa Linggo pa inaasahang tuluyang lalabas ng Philippine Area od Responsibility o PAR ang bagyo.
—-