Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Paolo.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang bagyo sa layong isanglibo tatlongdaan apatnapu’t limang (1,345) kilometro silangan hilagang-silangan ng Basco-Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa isangdaan walumpu’t limang (185) kilometro kada oras at pagbugso na dalawangdaan dalawampu’t limang (225) kilometro kada oras o isa ng super typhoon.
Tinutumbok ng naturang sama ng panahon ang hilaga hilagang-silangan sa bilis na tatlumpung kilometro (30) kada oras o patungong Japan.