Maliit ang tiyansang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong papalapit sa bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo na may international name na Nangka sa layong 1,670 kilometro silangan ng extreme northern Luzon.
Nasa gilid ito ng PAR line at tinatahak ang direksyong pa-hilaga patungong Japan.
Gayunman, inaasahang palalakasin nito ang epekto ng habagat at posibleng sa Miyerkules ay magsanib puwersa ang southwest monsoon at bagyong Nangka na makakaapekto sa Luzon kabilang Metro Manila.
By Ralph Obina