Napanatili ng Tropical Storm ‘Perla’ ang lakas nito habang halos hindi kumikilos sa Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong ‘Perla’ sa layong 790 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kph.
Batay sa track ng bagyo, hindi na inaasahang magla-landfall at wala rin itong direktang epekto sa bansa.
Gayunman, inaasahang magdadala ang Bagyong ‘Perla’ ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands at Apayao ngayong weekend.
Sa susunod na linggo posibleng makaranas naman ng pabugso-bugsong malakas na hangin sa dulong hilagang Luzon dahil northeasterly surface wind flow.