Napanatili ng Tropical Depression ‘Perla’ ang lakas nito habang kumikilos pa-kanlurang hilagang direksiyon.
Ayon sa PAGASA, bagaman walang tropical cyclone wind signal na nakataas sa ngayon ay magdadala naman ang Bagyong ‘Perla’ ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, at Apayao sa darating na Sabado o Linggo.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 860-kilometers, silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 860-kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 55 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 10kph.
Malabo naman ang tiyansa nitong lumakas pa at maging Tropical Storm.