Mahigpit na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang isang bagyong posibleng pumasok sa bansa ngayong katapusan ng linggo.
Kasunod na din ito ng pulong ng mga otoridad sa pangunguna ng NDRRMC Emergency Response Preparedness Core Group para paghandaan ang nasabing sama ng panahon.
Ayon sa PAGASA, ang low pressure area (LPA) ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Disyembre 30, Sabado ng hapon o umaga ng Linggo, Disyembre 31.
Sinabi ng PAGASA na posibleng maging bagyo ang nasabing LPA sa Disyembre 31 o umaga ng mismong New Year’s Day, Enero 1, 2018.
Papangalanang ‘Wilma’ ang nasabing sama ng panahon kapag naging ganap na bagyo na ito.