Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong ‘Quedan’.
Sa huling naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 880 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 130 kilometro kada oras.
Sa ngayon, ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ na lamang ang nakaka-apekto sa Palawan at Mindanao.