Lumakas pa ang Bagyong ‘Quiel’ at isa na ngayong Severe Tropical Storm habang mabagal na kumikilos pa-Silangan.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong ‘Quiel’ kaninang 10AM, sa layong 360-kilometers kanluran, hilagang-kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (kph) at pagbugso namang aabot sa 115 kph.
Dahil dito, makararanas ng mahina hanggang katamtaman na may kasamang panaka-nakang pag-ulan ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang mga lugar ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands at Apayao.
Mahina hanggang katamtaman na may kasamang pahintu-hintong pag-ulan naman ang makaaapekto sa Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro Provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.
Magiging mapanganib namang pumalaot sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa northern at western seaboards ng Luzon.
Samantala, inaasahan namang lalakas pa at magiging isang Typhoon ang Bagyong ‘Quiel’ sa loob ng 48-oras ngunit mababa ang tiyansang tatama ito sa kalupaan.