Mas lumakas pa at isa nang severe tropical storm ang Bagyong Quinta habang tinutumbok ang bahagi ng Catanduanes-Albay-Sorsogon area.
Batay sa sever weather bulletin 9 ng pagasa, huling namataan ang Bagyong Quinta sa layong 180 kilometro silangan ng Virac Catanduanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 95 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 115 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang Bagyong Quinta sa bahagi ng Catanduanes-Albay-Sorsogon mamayang hapon o gabi.
Inaasahan namang tatahakin nito ang katimugang Luzon hanggang bukas ng hapon patunging West Philippine Sea.
Posibleng lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng hapon.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, gitna at katimugang Quezon, Batangas, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island at Northern Samar sa Visayas.
Habang signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng quezon, Laguna, Rizal, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Southern portion ng zambales, Calamian Islands, Aklan katimugang bahagi ng mga probinsiya ng Samar, Eastern Samar, Capiz At Antique at northeastern portion ng Iloilo.
Kasunod nito, asahan nang magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang Bagyong Quinta sa bahagi ng Bicol Region, Calabarzon, Aurora, Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Calamian Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Aklan at Antique.