Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Ramon habang kumikilos pa hilaga.
Ang sentro ng bagyong Ramon ay pinakahuling namataan sa layong 445 kilometro silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75 km/h (kilometro kada oras) malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 km/h.
Ang bagyong Ramon ay kumikilos pa hilaga sa bilis na 15 km/h.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ay nakataas pa rin sa timog silangang bahagi ng Cagayan, silangang bahagi ng Isabela, Northern Aurora, at Polillo Islands.
Inalis na ang signal No. 1 sa Catanduanes.