Isa nang Typhoon ang bagyong Ramon habang papalapit ito sa Northern Cagayan.
Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyo sa layong 135 kilometro silangan hilagang-silangan ng Calayan, Cagayan
Taglay nito ang lakas ng hanging aabok sa 120 km/h (kilometro kada oras) malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 150 km/h.
Itinaas na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ang ilang lalawigan sa Northern Cagayan kabilang ang Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, at Santa Ana.
Signal No. 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, hilagang parte ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, at Divilacan).
Signal No. 1 naman sa Batanes, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union, Pangasinan, at sa nalalabing bahagi ng Isabela.
Inaasahan na mag la-landfall ang bagyong Ramon madaling araw hanggang mamayang umaga ngayong Martes, Nobyembre 19.