Napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito habang kumilos papalapit sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o 410 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte.
Ito ay may lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa pa – hilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras at inaasahang mag la – landfall sa hilagang Luzon sa linggo.
Kaugnay nito, 10 lugar sa bansa ang nasa ilalim pa rin ng tropical cyclone warning signals dahil sa bagyong Ramon.
Nasa ilalim ng signal number 2 ang Catanduanes habang nakataas naman ang signal number 1 sa Eastern portion ng Isabela, Northen Aurora, Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northen Samar.