Bahagyang humina ang bagyong rolly at kasalukuyang ibinaba sa typhoon category.
Batay sa severe weather bulletin bumber 15 ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Rolly sa karagatang bahagi ng Pasacao, Camarines Sur o 30 kilometers west southwest ng bayan ng Pili.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging aabot sa 215 kilometers per hour at pagbusong umaabot sa 295 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa pagasa, inaasahang tatahakin ng Bagyong Rolly ang bahagi ng Marinduque at Southern Quezon mamayang hapon.
Saka nito babagtasin ang bahagi ng Batangas-Cavite kung saan inaasahang sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi nasa layong 70 kilometro ng katimugang Metro Manila na ang Bagyong Rolly.
Posible namang lumabas na ito ng kalupaan ng Luzon at nasa West Philippine Sea na mamayang gabi o bukas ng umaga.