Posible nang pumasok mamayang gabi o bukas ng umaga ang binabantayang bagyo na papangalanang ‘rolly’ oras na pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa forecast ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 2,070 kph kanluran ng Central Luzon, na sa ngayon ay hindi pa nakakaapekto sa anumang bahagi ng bansa.
Sa track ng pagasa, tutumbukin ng bagyo ang Bicol Region at Eastern Visayas at inaasahan namang makakaapekto sa iba’t-ibang lugar sa bansa sa katapusan ng buwan ng Oktubre.
Bukod pa rito, ayon sa PAGASA, nakakaapekto pa rin sa kanlurang bahagi ng Luzon ang bagyong Quinta kahit pa ito’y nasa labas na ng PAR, kung kaya’t magdadala ito ng panaka-nakang pag-uulan.
Samantala, sa nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila, asahan ang magandang panahon maliban na lang sa mga isolated na pag-uulan.