Patuloy na binabantayan ng PAGASA Weather Bureau ang Bagyong Rosal na huling namataan sa layong 770 kilometers silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.
Ayon sa PAGASA Weather Specialist na si Obet Badrina, si Bagyong Rosal ay may lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 105 kilometers per hour.
Bahagyang lumakas ang bagyo habang kumikilos pa-northeastward sa bilis na 20 kilometers per hour at wala nang direktang epekto sa malaking bahagi ng bansa.
Inaasahang hihina na bukas ng gabi o miyerkules ng madaling araw ang Bagyong Rosal at magiging isa nalamang LPA kaya mababa ang tiyansa na maglandfall ito sa anumang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, wala nang namomonitor na Low Pressure Area (LPA) o sama ng panahon sa loob at labas ng bansa ang PAGASA at asahan din na lalakas ang northeast monsoon sa susunod na 24 oras na magpapaulan sa Ilocos Norte, Northern at Eastern Cagayan at sa Eastern Isabela.
Nagpaalala naman sa publiko ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, manatiling maging alerto, at makinig sa mga abiso ng mga lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat isa.