Napanatili ang lakas ng Bagyong Rosal habang kumikilos sa Philippine Sea sa silangang bahagi ng Aurora.
Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA, ang sentro ng Bagyong Rosal ay namataan sa layong 330 km sa Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng Bagyong Rosal ang pinakamalakas na hanging aabot sa 45 km kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 km kada oras.
Ang Bagyong Rosal ay kumikilos pa Hilagang Hilagang-Silangan sa bilis na 20 km kada oras.
Patuloy namang makakaranas ng mga pag-ulan, pag-kulog at pagkidlat ang ilang lugar sa bansa partikular na sa Batanes, Babuyan Island, Ilocos Norte, sa Hilaga at Silangang bahagi ng Cagayan, silangang bahagi ng Isabela, Calaguas Island at ang hilagang bahagi ng Catanduanes.
Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at magdala ng payong kung aalis ng bahay. – sa panunulat ni Jenn Patrolla.