Napanatili ng Bagyong Rosal ang lakas nito habang binabaybay ang Silangang-Hilagang Silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA Weather Bureau, ito ay may lakas ng hanging aabot sa 85 km per hour at pagbugsong aabot naman sa 105 km per hour at kumikilos sa bilis na 25 km per hour at wala nang direktang epekto sa malaking bahagi ng bansa.
Inaasahang hihina na bukas ng gabi o miyerkules ng madaling araw ang Bagyong Rosal at magiging isa nalamang lpa kaya mababa ang tiyansa na maglandfall ito sa anumang bahagi ng bansa.
Asahan naman na magiging maaliwalas ang panahon sa bahagi ng Metro Manila, Visayas partikular na sa Metro Cebu, at Davao Region pero posibleng ulanin sa hapon hanggang sa gabi maging sa Batanes at Babuyan Islands bunsod ng isolated thunderstorms.
Sa ngayon, wala nang namomonitor na Low Pressure Area (LPA) ang PAGASA o sama ng panahon sa loob at labas ng bansa at asahan din na lalakas ang Northeast Monsoon sa susunod na 24 na oras na magpapaulan sa Ilocos Norte, Northern at Eastern Cagayan at sa Eastern Isabela.
Nagpaalala naman sa publiko ang pagasa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, manatiling maging alerto, at makinig sa mga abiso ng mga lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat isa.