Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Salome na may international name na Haikui.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 385 kilometro, kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay ng nabanggit na sama ng panahon ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Inalis na rin ng PAGASA ang lahat ng public storm signal warning sa mga lugar na una ng nasalanta ng bagyo.
Kabilang sa mga naapektuhan ng kalamidad ang mga lalawigan ng Quezon at Laguna na nakaranas ng flashfloods at landslides.
—-