(As of 7:00PM)
Napanatili pa rin ng bagyong Salome ang lakas nito habang papalapit sa bahagi ng Batangas.
Huling namataan ang bagyo sa coast ng San Juan, Batangas, kabilang ang Subic at Tagaytay Radar.
Taglay ni Salome ang lakas ng hanging 55 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Nakataas ang Public Storm Signal No. 1 sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao at Brias Islands;
Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.
Binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang mga residente sa mga naturang na lugar na maging sa Central Luzon na maging alerto sa posibleng flash floods at landslides.
Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Salome sa Sabado ng umaga.