(11AM Update)
Wala nang nakataas na storm warning signal sa anumang bahagi ng bansa.
Gayunman, patuloy na pinag-iingat ng PAGASA sa mga posibleng flashflood at landslides ang mga residente na nasa Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.
Batay sa monitoring bagyo, patuloy na kumikilos ang bagyong Salome sa direksyong pa- kanluran hilagang kanluran at kasalukuyang nasa West Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 175 kilometro kanluran ng Subic, Olongapo.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong papalo sa 80 kilometro kada oras.
Inaasahang bukas ng umaga, lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Salome.
—-