Mas humina pa ang Bagyong ‘Sarah’ o may international name na ‘Fung Wong’ at isa na lamang Tropical Storm habang patuloy na kumikilos pa-hilaga, hilangang-silangan.
Batay sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong ‘Sarah’ sa layong 430 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbusong umaabot sa 105 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kph at inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibilities (PAR), mamayang gabi o bukas ng umaga.
Hindi na rin inaasahang magdadala pa ng pag-ulan ang Bagyong ‘Sarah’ saan mang bahagi ng bansa, gayunman makakaranas pa rin ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang Metro Manila, Bicol Region, Aurora, Quezon, Rizal, Laguna at Bulacan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.