Inaasahang papasok na sa bansa mamayang gabi o bukas ng umaga ang tropical storm ‘Nock Ten’, at ito ay tatawagin na bagyong ‘Nina’.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Nock – Ten, 1,380 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Nock Ten pa-kanluran hilagang – kanluran sa bilis na 23 kilometro kada oras.
Coast Guard on alert
Inalerto na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga kawani nito sa iba’t ibang probinsya, para sa pagpasok ng tropical depression Nina.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, kanilang itinaas ang alerto sa Mindanao, western Samar, eastern Samar, Bicol region at southern Tagalog.
Sinabi din ni Balilo na nakikipag-ugnayan sila sa PAGASA at NDRRMC para sa pagdedeploy ng rescue at medical teams.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)