(As of 8:00 PM)
Tuluyan nang nag – landfall ang bagyong “Tino” sa Palawan na ngayo’y nasa western coast at nagsisimula nang gumalaw papuntang West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huling namataan ang bagyong Tino sa layong 40 kilometro ng silangan ng Puerto Princesa City ng Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras na may pagbugsong 90 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Palawan.
Samantala, inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Tino ngayong Sabado ng umaga.