Bahagyang humina ang Bagyong ‘Tisoy’ na ngayon ay nasa bahagi na ng Burias Island.
Ayon sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, magdadala ang mata ng Bagyong ‘Tisoy’ ng malalakas na hangin at matinding buhos ng ulan sa mga lugar ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Masbate.
Inaasahan ding makaaapekto ang mata ng naturang bagyo sa Southern Quezon, Romblon at Marinduque sa susunod na tatlong oras.
Inaasahan namang magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw, December 3, ang bagyo sa mga lugar sa Bicol Region, Romblon, Marinduque, Mindoro Provinces, CALABARZON, Metro Manila, Bataan, Pampanga at Bulacan.
Panaka-naka hanggang madalas na pagbuhos ng malakas na ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Central Luzon habang pabugso-bugsong malakas na buhos ng ulan naman ang posibleng maranasan sa Samar Provinces, Biliran, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at northern portions ng Negros Provinces at Cebu.
Asahan naman ngayong Martes ng hapon hanggang bukas, Miyerkules, December 4, ang madalas hanggang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Mindoro Provinces, Metro Manila, Central Luzon, Rizal at Northern Quezon kabilang na ang Polillo Islands.
Panaka-nakang malakas na pagbuhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Marinduque, Romblon at nalalabing bahagi ng CALABARZON habang pabugso-bugsong malakas na pagbuhos ng ulan naman ang inaasahan sa Bicol Region at Calamian Islands.
Samantala, huling namataan ang sentro ng Bagyong ‘Tisoy’ sa bahagi ng San Pascual, Masbate (Burias Island).
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kph.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kph.
Pinapaalalahanan naman ang mga residente sa naturang lugar sa posibleng maranasang pagbaha at landslides.
Tinatayang 2 hanggang 3 meters na storm surge ang naranasan naman sa mga lugar sa Batangas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Ticao at Burias Islands, at southern coast ng Southern Quezon; 1 hanggang 2 meters naman sa Camarines Norte, northern coast ng Southern Quezon, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales (Subic Bay coastal areas).
Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Camarines Norte
- Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
- Romblon
- southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres),
- Marinduque
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
- Batangas
- Cavite
- Laguna.
Itinaas naman ang TCWS No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Metro Manila
- Bulacan
- Bataan
- Tarlac
- Pampanga
- Nueva Ecija
- southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
- Rizal
- nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan),
- Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
- Zambales
- Pangasinan
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
- Aklan
- Capiz
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- northern portion ng Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla),
- Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands)
- Leyte.
At, TCWS No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
- Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin),
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- Ilocos Sur
- La Union
- Quirino
- rest of Aurora
- northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, San Vicente, Roxas)
- Rest of Negros Occidental
- Negros Oriental
- Bohol
- Siquijor
- nalalabing bahagi ng Cebu
- at Southern Leyte.