Muling naglandfall ang bagyong Tisoy kaninang 12:30 ng tanghali sa Naujan Oriental Mindoro.
Ito na ang ika-apat na pagkakataong lumapag sa kalupaan ang bagyong Tisoy.
Una ay pasado 11:00 kagabi sa Sorsogon, sumunod sa San Pascual Burias Island, at pasado 8:00 kaninang umaga sa Torejos Marinduque.
Sa pinakahuling update ng PAGASA, bahagyang humina ang bagyong Tisoy habang tumatahak ito sa hilagang bahagi ng Mindoro.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang signal number 3 sa mga bayan ng Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Ariaya, Cadelaria, Dolores, Tiaong at San Antonio sa Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island, Batangas, Cavite at Laguna.
Signal number 2 naman ang mararanasan sa Burias Island, Romblon, Northern Camarines Sur, Camarines Norte, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Southern Aurora, iba pang bahagi ng Quezon, Zambales, Pangasinan at Northern Aklan.
Samantala, signal number 1 naman sa Southern Asabela, Benguet, Nueva Vizcaya, La Union , Quirino, iba pang bahagi ng Aurora, Northern Palawan, Cuyo Islands, Masbate kasama ang Ticao Island, Albay, Sorsogon at Catanduanes.