Nag-land fall na ang bagyong ‘Tisoy’ sa Gubat, Sorsogon ganap na alas 11:00 kagabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan ang malakas na hangin at malakas na pagbuhos ng ulan dahil sa nagdadala ang bagyo ng violent winds at intense to torrential rainfall partikular sa Northern Samar, Catanduanes, Albaya, Camarines Sur at Sorsogon.
Huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Gubat, Sorsogon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa kanluran sa bilis na 15 kada oras.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone warning signal no. 3 sa: Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Romblon, at ibang bahagi ng Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Island, Batangas, Cavite, Laguna, Northern Samar, ibang bahagi ng Eastern Samar at Northern Samar.
Signal number 2 naman sa: Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Southern Aurora, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Calamian Islands, Cuyo Islands, Zambales, at Pangasinan, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, nalalabing bahagi ng Samar, Biliran, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, ibang bahagi ng Northern Cebu at Leyte.
Habang signal number 1 sa: Southern Isabela, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Quirino, nalalabing bahagi ng Aurora, ilang bahagi ng Palawan, nalalabing bahagi ng Negros Occidental, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, nalalabing bahagi ng Cebu, at Southern Leyte, Dinagat Islands at Siargao Island.