Patuloy na humihina ang bagyong ‘Tisoy’ at isa na lamang itong tropical storm.
Ito ay dahil sa bugso ng northeast monsoon o amihan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometro kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-kanlurtan sa bilis na sampung kilometro kada oras.
Sa ngayon ay wala nang direktang epekto ang bagyong ‘Tisoy’ sa bansa.
Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine area of responsibility ngayong umaga.