Bahagyang bumilis ang Bagyong Tonyo at kasalukuyan na itong nananalasa sa Dalampasigan ng Paluan, Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA, kumikilos ang Bagyong Tonyo pa-kanluran at inaasahan itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng umaga.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na malaki ang tsansang lumakas pa ang Bagyong Tonyo sa pagiginig tropical storm sa susunod na 24 oras.
Batay sa pinakahuling datos ng weather bureau, namataan ang sentro ng Bagyong Tonyo sa layong 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 60 kilometro bawat oras.
Bahagya pang bumilis ang Bagyong Tonyo habang tinatahak nito ang direksyong pakanluran na nasa 30 kilometro bawat oras.
Gayunman, tinanggal na ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal number 1 sa maraming lugar maliban sa hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island.
Samantala, may isa na namang binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA na nasa layong 920 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ibinabala ng PAGASA na posibleng lumakas pa ang nasabing sama ng panahon sa susunod na 48 oras at tatawagin itong Bagyong Ulysses.