Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Tonyo ayon sa PAGASA.
Samantala ang binabantayang tropical depression Ulysses naman ay inaasahang lalakas pa at posibleng maging typhoon bago mag landfall sa Bicol region sa Miyerkules.
Huli itong namataan sa layong 800 kilometro silangan ng Surigao City , Surigao Del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa hilaga-kanluran sa bilis na labing 5 kilometro kada oras.