Napanatili ng bagyong Tonyo ang lakas nito habang sumasalasa sa bayan ng Lobo, lalawigan ng Batangas.
Ayon sa PAGASA, lumapag sa kalupaan ng nasabing bayan ang bagyong Tonyo dakong alas 8:00 kaninang umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 60 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyong Tonyo sa pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa 19 na lalawigan sa Luzon.
Kabilang dito ang hilaga at gitnang bahagi ng Luzon kasama na ang Polillio Island, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Metro Manila, Bulacan at Pampanga.
Gayundin ang katimugang bahagi ng Aurora at Zambales, ang lalawigan ng Marinduque, hilaga at gitnang bahagi ng Oriental maging ng Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Island.
Dahil dito, asahan na ayon sa PAGASA ang mga pag-ulan sa mga nabanggit na ulan kaya’t pinag-iingat ang lahat sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.