Muling bumalik sa typhoon category ang bagyong Ulysses habang patuloy itong lumalakas sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Ulysses sa layong 720 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman sa 160 kilometro bawat oras.
Patuloy na kumikilos ang bagyong Ulysses o typhoon Vamco sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
Bagama’t wala na itong magiging epekto pa sa bansa, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa may Hilagang Luzon partikular na sa Ilocos at Cordillera gayundin sa nalalabing bahagi ng Cagayan dahil sa hanging Amihan.
Habang tail end of a cold front naman ang siyang makaaapekto sa bahagi ng Batanes kaya’t inaasahan ang maulap na papawirin doon na may kalat-kalat na mga pag-ulan.