Nag-landfall sa Patnanungan sa Quezon ang bagyong Ulysses kaninang 10:35 ng gabi ayon sa PAGASA.
Sa inilabas na bulletin ng weather bureau, nakataas ang tropical cyclone wind signal #3 sa mga sumusunod na lugar:
Sa Southern portion ng Quirino at Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Northern at Central Portions ng Quezon Kabilang ang Polillo Islands, Batangas, Catanduanes, Camarines Norte, at Northern Portion ng Camarines Sur.
Tropical cyclone wind signal #2, sa nalalabing bahagi ng Quezon, Quirino at Nueva Vizcaya, Southern Portion Ng Benguet at La Union, Marinduque, Northern portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Northern portion ng Oriental Mindoro, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands.
Habang nakasailalim naman sa tropical cyclone wind signal #1 sa Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, Abra, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng La Union, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, Romblon, nalalabing bahagi ng Masbate, Northern Samar, Northern Portion ng Samar, Northern Portion ng Eastern Samar.