(11AM Update)
Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas at mabagal pa rin ang pagkilos nito sa karagatang bahagi ng Eastern Visayas.
Huling namataan ang bagyo sa layong 240 kilometro Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong papalo sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilangang Kanluran sa bilis na 5 kilometro kada oras.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Northen Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran, habang signal number 1 naman sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Romblon, at Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, kabilang na ang Bantayan Island, Capiz, Aklan, Northern Iloilo at Dinagat Islands.
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatama sa lupa ang bagyong Urduja sa bahagi ng Eastern Samar bukas ng madaling araw o tanghali.
Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang inaasahan sa loob ng 450 kilometro diametro ng bagyo.
Magpapatuloy din ang malawakang pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Bicol Region.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar laban sa posibleng flashfloods at landslides.
Hindi din pinapayagan ang paglalayag sa eastern seaboards ng Bicol Region at Visayas.
Inaasahang magtatagal pa sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Urduja ng hanggang sa 3 araw pa bagamat kapag nasa bahagi na ito ng Palawan ay inaasahang magiging low pressure area na lang ang bagyo.
—-