(11AM Update)
Lumakas pa ang bagyong “Urduja” habang patuloy na kumikilos patungong Samar.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 75 kilometro sa hilaga- hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 110 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone signal number 2 sa Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.
Samantala, signal number 1 naman sa Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.
Gayundin sa Southern Leyte, Cebu, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Northern Negros Oriental, Northern Bohol at Dinagat Islands.
Inaasahan namang tatama sa lupain ng Northern Samar–Eastern Samar ang bagyong Urduja mamayang hapon.
Cancelled flights
Kanselado ang ilang byahe ng eroplano dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Urduja.
Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, pansamantalang naantala ang biyahe ng Cebu Pacific 5J 651 at 652 Manila – Tacloban – Manila, 5J 649 at 650 Manila – Tacloban – Manila at 5J 373 at 374 Manila – Roxas – Manila.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Northern-Eastern Samar mamayang hapon o gabi.
Stranded passengers
Pumalo na sa higit 11,000 pasahero ang na stranded dahil sa bagyong Urduja.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG nasa kabuuang 11,101 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Eastern, Southern at Western Visayas, Bicol, Southern Tagalog at Maynila.
Hindi pinayagang maglayag ang may 1,300 mga sea vessel, 52 rolling cargoes at 33 motor banca.
By Rianne Briones