Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Urduja batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayons alas-11:00 ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa layong 430 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbusgsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 18 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA bagamat nakalabas na ng bansa ang bagyo ay asahan pa rin ang dala nitong mga pag-ulan sa bansa.
Inalis na ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa Palawan ngunit nananatiling mapanganib ayon sa PAGASA ang paglalayag sa western seaboard ng Palawan dahil na rin sa epekto ng northeast monsoon.
Samantala, patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area o LPA sa labas ng PAR na huling namataan sa layong 1,395 kilometro Silangan ng Mindanao.
Cancelled flights
Samantala, bagamat inaasahang unti-unti nang gaganda ang panahon sa paglabas ng bagyo sa bansa, kanselado pa rin ang ilang flights ngayong araw.
Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, apektado ng kanselasyon ang biyahe mula Maynila patungong Naga at pabalik ng Ceb Go.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company.
—-