Patuloy na humihina ang bagyong Ursula habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometro sa kanluran ng Subic, Zambales.
Mayroon itong pinakamalakas na hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 150 kilometro kada oras.
Samantala, wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa bansa.
Inaasahang lalabas ang bagyong Ursula sa PAR bukas ng umaga.