Inaasahang magiging maulan ang pagdiriwang Pasko sa ilang bahagi ng bansa.
Ito’y dahil sa inaasahang pag-landfall sa Eastern Samar ng Bagyong ‘Ursula’ mamayang hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA, lumakas pa ang bagyo at ngayon ay isa nang Severe Tropical Storm.
Huling namataan ang bagyo sa layong 315 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers epr hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.
Sa ngayon nakataas ang Signal No. 2 sa:
- Albay
- Sorsogon
- Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
- Extreme Northern Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands
- Northeastern Iloilo
- at Northeastern Capiz.
Nasa ilalim ng Signal No. 1 ang:
- Bulacan
- Bataan
- Metro Manila
- Rizal
- Cavite
- Quezon
- Laguna
- Batangas
- Camarines Sur
- Camarines Norte
- Catanduanes
- Marinduque
- Romblon
- Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
- Oriental Mindoro
- Calamian Islands
- Cuyo Islands
- Southern Leyte
- nalalabing bahagi ng Northern Cebu
- Central Cebu
- Northeastern Bohol
- Aklan
- Antique
- nalalabing bahagi ng Capiz
- nalalabing bahagi ng Iloilo
- Guimaras
- Northern Negros Occidental
- Northern Negros Oriental
- Dinagat Islands
- Surigao Del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands.