Tuluyan nang humina at ibinaba na sa severe tropical storm category ang dating Typhoon Ursula habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyong Ursula sa layong 430 kilometro kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay nito ang hanging may lakas na aabot sa 100 kph (kilometro kada oras) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kph.
Kumikilos ito pa kanluran timog-kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil dito ayon sa Pagasa, wala nang epekto sa bansa ang Severe Tropical Storm Ursula.
Subalit anila, patuloy paring makakaramdam ng katamtaman hanggang minsanang malakas na pag-ulan ang Northern Luzon at Aurora bunsod ng Tail-End of a Cold Front.
Inaasahan namang lalabas ng PAR ang bagyong Ursula Sabado ng tanghali, Disyembre 28.