Patuloy pang lumalakas habang papalapit sa bahagi ng Eastern Visayas ang Severe Tropical Storm ‘Ursula’.
Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Romblon
- Albay
- Sorsogon
- Masbate, kabilang ang Burias atTicao Islands
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
- extreme northern Cebu, kabilang ang Bantayan at Camotes Islands (Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Bogo City, Tabogon, Tabuelan, Borbon, San Francisco, Poro, Tudela, Pilar)
- northeastern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad, San Dionisio, Sara, Concepcion, Lemery, Ajuy)
- northern Antique (Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao)
- Capiz
- Aklan.
Huling namataan ng PAGASA kaninang 7AM ang Bagyong ‘Ursula’ sa layong 250 kilometers, silangan ng Guian, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 125 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 30 kph.